21 year old na Pinoy, nagkamit ng double summa cum laude sa isang prehistoryong paaralan sa Pennsylvania

Matapos pagtagumpayan ang pagiging mahiyain, walang nakapigil sa 21-anyos na si Jacob Johann Wee na magkamit ng double summa cum laude mula sa University of Pennsylvania’s Wharton School, isa sa mga nangungunang business school sa buong mundo.

Si Jacob ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Economics at Bachelor of Arts in Psychology.

Ayon kay Jacob, noong una ay wala siyang balak na mag-aral sa ibang bansa dahil nakatakdang siyang pumasok sa isang tanyag na paaralan sa Pilipinas.


Ngunit nang magkamit ng mataas na marka sa Scholastic Aptitude Test (2270 out of 2400, 800 sa Math 2 at Chemistry), ay dito na siya naging kwalipikado sa maraming sikat na unibersidad sa buong mundo.

Maliban sa pagiging matalino, isa ring achiever sa grade school at high school si Jacob at miyembro rin ng Philippine national debating team.

Ilan naman sa mga idinahilan ni Jacob kung bakit Economics at Psychology ang kaniyang kinuha ay dahil nakakapagdulot ng saya na maintidihan mo ang iniisip ng iba at makagawa ka ng paraan upang mapasaya ang mga ito.

Facebook Comments