Go signal para sa 46th season ng PBA, pagpupulungan ngayong linggo kasama ang IATF

Makikipagpulong ngayong linggo si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mabigyan na ng go signal ang pagsisimula 46th season.

Ayon kay Marcial, posibleng miyerkules o huwebes ngayong linggo ipiprisinta ang plano sa opening.

Tiwala naman si Marcial na agad maaaprubahan ang plano kasunod ng pagiging matagumpay ng PBA bubble sa loob ng dalawang buwan.


Sa ngayon, aabot na sa 95 percent ng bumubuo ng PBA ang mababakunahan sa susunod na mga araw na isa sa mga mabuting dahilan upang maging ligtas ang pagsasagawa ng season.

Patuloy naman ang pagpapaalala ni Marcial sa pagsunod sa istriktong minimum health protocols kung saan kabilang ang madalas na testing bago mag-umpisa ang season.

Facebook Comments