21 years na dalaga pinagtulungang gahasain ng nakainuman

General santos City—Dumulog sa tanggapan ng WCPD ng Police Station 1 dito sa Gensan ang isang 21 years old na dalaga sa itatago lang sa pangalang Alias Jenjen matapos umano itong pinagtulungang gahasain ng nakainuman nito kahapon.

Nangyari ang krimen sa isang boarding house sa Purok Darimco, Barangay West Gensan alas 6:30 ng gabi.

Kwento ng biktima na pumunta sya sa Boarding house ng kanyang pinsan para makipagkwentohan, kanyang nadatnan ang kanyang pinsan at ang dalawang ka-boardmate nito na nag iinuman.


Pinainum umano sya ng dalawang lalaki at nang malasing doon na sya pinagtulungang gahasain. Tumakas ang isang suspek habang arestado naman ang kasamahan nitong si Alias Ryan, 20 years old isang graduating Student sa isang tanyag na paalaran sa Gensan.

Base naman sa resulta ng medico legal ng biktima positibong ginalaw ito. Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng kaso at nakatakda namang sasampahan ng kaso ang dalawang suspek.

Facebook Comments