21,000 trabaho, alok ng DOLE sa online job fair ngayong linggo

Nasa higit 21,000 na trabaho, local at overseas ang alok sa gagawing online job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong linggo.

Ayon sa DOLE, ang mga bakanteng trabaho ay mula sa 600 domestic companies maging sa 15 lisensyadong recruitment agencies na konektado sa Bahrain, Falkland Islands, Germany, Ghana, Ivory Coast, Jordan, Kingdom of Saudi Arabia, Lebanon, Micronesia, Myanmar, New Zealand, Palau, Qatar, Singapore, Taiwan at Turks and Caicos.

Karamihan sa mga alok na trabaho ay factory workers, nurses, nursing aides, care workers, engineers, Computer-Aided Design o CAD operators, telecommunications rigging technicians, maintenance technicians, carpenters, foremen, laborers, at building cleaning workers.


May alok ding trabaho para sa mga supervisors, physical fitness coaches, cake decorators, cooks, food servers, restaurant workers, waiters, waitresses, counter service staff, at service staff.

Ang mga aplikante ay dapat ihanda ang digitan copies ng kanilang resume o curriculum vitae at iba pang requirements.

Ang ‘Balik-Trabaho E-Jobs and Online Jobs Fair,’ ay programa ng Bureau of Local Employment at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na gaganapin tuwing Huwebes at Biyernes mula December 10 hanggang 11, 2020.

Maaari nilang bisitahin ang website ng POEA para ma-access ang job fair.

Facebook Comments