Umabot sa 4,365 ang mga bakanteng trabaho na inaalok para sa lokal na trabaho at sa ibang bansa mula sa 59 na establisyimento na nakiisa sa job fair kung saan, aabot sa 3,257 ang nakiisa sa online at face-to-face job fair.
Samantala, umabot sa 61.8 milyon pesos ang kabuuang halaga ng tseke ang ipinagkaloob ng ahensya sa Pamahalaang panlalawigan ng Cagayan kabilang ang milyong piso na halaga ng Starter kits at Negokarts.
Kasabay rin ng programa, isang Memorandum of Agreement (MOA) signing ang ginawa sa pagitan ng DOH RO2 accredited COVID-19 testing centers bilang bahagi ng DOLE Department Order No. 233-22 na nagbibigay ng mga alituntunin sa mga probisyon ng Free COVID-19 Testing para sa mga Newly-Hired Job Seekers na dinaluhan ng Southern Isabela Medical Center, San Antonio City of Ilagan Hospital, Cagayan Valley Medical Center at Philippine Red Cross Molecular Laboratory.
Kasama rin sa aktibidad ang One-Stop-Shop para sa mga serbisyong inaalok ng mga katuwang na ahensya tulad ng PSA, TESDA, Pag-Ibig, DTI, SSS, DFA, DOT, at PhilHealth.
Tampok rin ang ilang produkto mula sa mga probinsya ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino gayundin ng libreng pagsasanay para sa job fair sa mga kalahok na pinangasiwaan ng DTI at TESDA.