Nasa higit 21,000 low-income families na hindi nabigyan ng ayuda sa Social Amelioration Program (SAP) 1 at 2 ang nakatanggap ng tulong pinansiyal.
Sa ilalim ito ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 kung saan umabot sa ₱152.6 million ang inilabas na pondo ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 21,581 ang pamilyang nakatanggap ng subsidiya bilang bahagi ng Emergency Subsidy Program (ESP).
Ang mga nabigyan ng tulong pinansiyal ay ang mga nasa lugar na isinailalim sa gradual lockdown, mga kwalipikadong pamilya pero hindi nakatanggap ng sap 1 at 2, at mga bagong uwing Overseas Filipino Workers na kabilang sa low-income family.
Sa inilabas na Memorandum Circular na nilagdaan ni DSWD Secretary Rolando Bautista noong Oktubre, nakasaad na kinakailangang mabigyan ng one-time emergency cash subsidy ang mga kwalipikado na aabot sa P5,000 hanggang P8,000.