CAUAYAN CITY – Pinarangalan ng DENR Region 2 ang mga mamamayan ng Nueva Vizcaya ng 216 Free Patent Titles bilang parte ng pagdiriwang ng Environment Month at kanilang 37th Anniversary.
Bukod dito iginawad din ng DENR ang mga programa at serbisyo katulad ng One Stop shops, photo booths, product exhibits, at iba pa.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni DENR regional Director Gwendolyn Bambalan at hinikayat ang mga Novo Vizcayanos na damihan pa ang pagtatanim ng mga puno upang makabawas sa epekto ng Climate Change.
Watch more balita here: 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦
Naging matagumpay ang pagtatapos ng aktibidad sa tulong ng Land Registration Authority, Philippine National Police, Provincial Local Government Unit ng Nueva Vizcaya at ng iba pang ahensya.