22-anyos na babae, napatay ng kanyang sariling kapatid sa Aklan

111

Aklan, Philippines – Patay ang isang 22-anyos na babae matapos magtamo ng malalang tama sa ulo kahapon sa Barangay Torralba, Banga, Aklan.

Nakilala ang biktima na si Herlene Narosa, at ang suspek ay ang kapatid nitong lalaki na 14-anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Banga PNP, nakatanggap sila ng report tungkol sa isang babae na nakitang duguan sa kanilang kusina at agad naman nilang nirespondehan.

Agad rin na isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay habang ginagamot.

Agad namang inamin ng suspek ang krimen, na nagawa niya ito matapos may namagitang pagtatalo sa kanila ng ate niya.

Sa ngayon ay nasa pangagalaga na ng Banga PNP ang suspek at ituturn over nila ito sa DSWD.

DZXL558

Facebook Comments