Regional Office -7 Chief, idinepensa ang kaniyang tauhan sa pagkakapatay sa isang Abu Sayyaf member

Bohol, Philippines – Idinepensa ni Police Regional Office -7 na si Chief Supt. Noli Taliño na lehitimo ang pagkakapatay ng kaniyang mga tauhan sa lalawigan sa Bohol sa unang nadakip na Abu Sayyaf member na si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad kaninang madaling araw.

Ayun kay Taliño, base sa inisyal na ulat mula sa Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Bohol PNP ililipat na sana si Kiram sa Bohol District Jail mula sa Bohol Provincial Police Office kaninang pasado alas 2:00 ng madaling araw nang mangyari ang pagkakabaril.

Ayon sa salaysay ng PIB, tinanggalan nila ng posas si Kiram nang hilingin nitong magbabawas muna ngunit ito Ay nagtangkang tumakas at nakipag-agawan ng armas mula sa mga pulis kaya ito ay nabaril sa ulo at ibang bahagi ng katawan na ikinamatay nito.


DZXL558

Facebook Comments