22 anyos na babae pinagsasaksak ng kanyang nobyo, patay

Labing pitong saksak, yan ang natamo ng 22 anyos na babae matapos syang pagsasaksakin ng kanyang nobyo sa Brgy. 6 Sto. Nino Ex.t Lungsod ng Tacloban.

Ayon sa Tacloban City Police Office, kinilala ang suspek na si Ronnel Maraginot, 23 anyos, residente sa brgy Pawing, Palo, Leyte. Kinilala naman ang kanyang girlfriend na napatay na si Donablle Boco Laruoque,22 anyos na taga Hernani Eastern Samar.

Ayon kay PCI. Steve Castillote, Station Commander ng Tacloban PNP Station 2, nagkaroon daw ng verbal argument ang magkasintahan sa cellphone. Nang magkita ang dalawa, pinagsasaksak agad ng suspek ang kanyang nobya.


Pagkatapos saksakin ang kanyang girlfriend, sinubukan saksakin ng suspek ang kanyang sarili. Dead on the spot ang biktima habang ang suspek ay nadala Eastern Visayas Medical Center.

Sa inisyal na imbistigasyon ng PNP, sobrang seloso daw ang suspek . Lahat daw ng kasama ng kanyang nobya ay kanyang pinagseselosan.

Kasalukuyang nagpapagaling si Maraginot at nahaharap sa kasong murder.

Facebook Comments