HALOS 3-MILYONG INDIBIDWAL SA ILOCOS REGION, BAKUNADO NA

20

Pumalo na sa 2, 948, 886 residente ng Ilocos Region ang bakunado laban sa COVID-19 base sa datos ng Ilocos Center for Health-Development 1.

Katumbas ito ng 79. 29% na target population ng rehiyon na 3. 7 milyong residente.

443, 769 ang nabakunahan sa Ilocos Norte, 478, 389 sa Ilocos Sur, 487,480 sa La Union, 109, 625 sa Dagupan City at pinakamarami ang Pangasinan na mayroong 1, 429, 632.


Nasa 1, 754, 779 naman ang fully vaccinated na residente nito.

Matatandaan na umabot sa higit 400, 000 na indibidwal ang nabakunahan sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan na malaking tulong ayon sa ahensya nang tuluyang maabot ang herd immunity. | ifmnews

Facebook Comments