Aabot sa 22 indibidiwal ang naitalang nasawi sa nangyaring landslide sa Baybay City, Leyte dahil sa bagyong agaton.
Ayon kay Baybay City Police Chief Colonel Jomen Collado, narekober ang labi ng mga ito sa apat na barangay.
16 aniya ang nakuha sa Barangay Mailhi, dalawa sa Barangay Maypatag, isa sa Barangay Bunga at tatlo sa Barangay San Agustin.
Samantala, batay sa National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), nasa 14 na indibidwal pa lamang ang naiulat sa kanila na nasawi sa naturang lugar.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, karamihan sa mga casualty ay dahil sa landslide na dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Kasunod nito, nagpapatuloy pa rin aniya ang search and retrieval operations ng mga awtoridad.
Pero sa opisyal na datos ng ahensiya, nasa talo pa lamang ang mga namatay dahil sa bagyo na naitala mula sa Davao Oriental habang isa ang nawawala at dalawa ang sugatan,
Sa kabuuan, nasa 86,515 pamilya o katumbas ng 136,390 indibiwal ang apektado ng Bagyong Agaton.