NCRPO, walang nakikitang banta sa seguridad ngayong Semana Santa

Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa inaasahang dagsa ng mga magsisimba at magpupunta sa iba’t ibang tourist spots ngayong Semana Santa.

Una nang nagpakalat ang NCRPO ng mahigit 11,000 pulis sa Kamaynilaan para tiyakin ang seguridad ng publiko.

Sa kabila nito, sinabi ni NCRPO Chief Police Major General Felipe Natividad na wala pa silang namo-monitor na banta ngayon kabilang na sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.


Samantala, nasa 2,482 indibidwal naman ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa election gun ban kung saan 1,909 firearms na rin ang kanilang nakumpiska.

Facebook Comments