22 Katao, Nagpositibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng dalawampu’t dalawang (22) positibong kaso ng COVID-19 ang Lambak ng Cagayan.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 22 new COVID-19 Cases, anim (6) ang mula sa Cagayan, labing tatlo (13) sa Isabela, dalawa (2) sa Santiago City at isa (1) sa Nueva Vizcaya.

Dahil dito, umakyat sa 318 ang total active cases sa rehiyon na nagdadala sa bilang na 2, 903 na total confirmed cases.


Bagamat may karagdagang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa rehiyon, nakapagtala naman ng labing apat (14) na gumaling sa sakit kung saan dalawa (2) sa probinsya ng Cagayan, sampu (10) sa Isabela at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.

Umaabot naman sa 2, 542 ang total recovered cases sa rehiyon at apatnapu’t tatlong (43) nasawi.

Ang lalawigan naman ng Cagayan ay mayroon ng 88 na active cases, 185 sa Isabela, 28 sa Santiago City, 15 sa Nueva Vizcaya, dalawa (2) sa Quirino habang COVID-19 free pa rin ang Batanes matapos na gumaling ang dalawang (2) nagpositibo.

Facebook Comments