22 mega quarantine facilities, nakatakdang buksan sa NCR

Inaasahang bubuksan ng pamahalaan ang 22 mega quarantine facilities para sa mild at asymptomatic COVID-19 patients sa Metro Manila sa loob ng dalawa o tatlong linggo.

Ito ang tugon ng National Task Force against COVID-19 matapos i-anunsyo ni Department of Health (DOH) ang umabot na sa ‘danger zone’ ang utilization ng quarantine facilities sa National Capital Region, Regions 1, 7, 10, at 12.

Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, ang 22 isolation facilities ay dagdag sa 2,700 beds sa mga hotel na binayaran ng pamahalaan para ireserba para sa mga asymptomatic o mild COVID-19 patients.


Bukod dito, ang quarantine facility sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija ay inaasahang magiging available sa loob ng pitong araw.

Ang grupo na pinangungunahan ng negosyanteng si Ricky Razon ay magtatayo ng 500-bed isolation facility sa Entertainment City – Nayong Pilipino sa Parañaque City.

Facebook Comments