Pamahalaan, ipinauubaya na sa mga LGU ang swab test ng mga LSI

Ipinauubaya ng pamahalaan sa Local Government Units (LGU) ang pagtanggap ng Locally Stranded Individuals (LSI) na isasailalim sa COVID-19 swab tests.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., ang mga LGU ay mayroong sariling inisyatibo dahil may mga kakayahan ang mga ito sa testing.

Maliban sa testing, isinasailalim ng mga LGU ang mga LSI sa 14-day quarantine.


Una nang sinabi ni Testing Czar Vince Dizon na magiging mandatory ang swab test sa lahat ng LSIs.

Facebook Comments