22 mga Pilipino na inilikas sa London mula Afghanistan, dumating na sa NAIA 2

Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kaninang alas-11:00 ng umaga ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na sakay ang 22 mga Pilipino na inilikas sa London mula Afghanistan.

Mula Kabul ay sumabay sila sa British military airlift mission patungo ng London tatlong araw na ang nakalilipas.

Ang 22 na dumating na mga Pinoy ay kabilang sa 49 na mga inilikas sa London kung saan bago mag-alas-10:00 kagabi ay umalis ang eroplano ng PAL sa United Kingdom (UK) patungo sa Manila.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ilan sa mga Pilipinong inilikas mula sa Afghanistan ay tumangging umuwi ng Pilipinas at sa halip ay nagpaiwan na lamang sa iba’t-ibang bansa.

Karamihan din sa mga umuwing Pinoy ay nagtatrabaho sa iba’t ibang industriya sa Afghanistan tulad ng hotel, petroleum manufacturing, security at iba pa.

Facebook Comments