Emergency Room ng Pasay City General Hospital, pansamantalang isinara muli para sa lahat ng admissions

Kinumpirma ng Pasay City General Hospital (PCGH) na pansamantala muli silang hindi tatanggap ng COVID at non-COVID patients.

Sa ngayon kasi ay nasa full capacity na ang kanilang adult COVID Intensive Care Unit (ICU) at regular beds.

Habang 1 na lamang ang bakante sa regular COVID bed para sa pedia cases.


Kinumpirma rin ng pagamutan na mahigit 3 ang kanilang pasyente ngayon sa ER isolation rooms at anteroom triage area.

Tiniyak naman ng pamunuan ng PCGH na agad silang mag-aabiso sa publiko kapag lumuwag na ang kanilang ER.

Facebook Comments