22 patay habang 10 ang nawawala sa hagupit ng typhoon Lekima sa China

Aabot sa dalawampu’t dalawa ang nasawi habang sampu ang nawawala at mahigit sa isang milyon ang lumikas dahil sa hagupit ng Bagyong Hanna o may international name na Lekima sa China.

Ayon sa mga otoridad, nasira kasi ang isang dam sa Wenzhou, China dahil sa bagyo kaya nagkaroon ng landslide.

Pahirapan din aniya ang pagsalba sa mga na-stranded bunsod ng malawakang pagbaha at pagbuwal ng mga puno.


Dahil dito, kinansela na ang mahigit 1,000 flights at maging ang serbisyo ng tren sa naturang lugar.

Facebook Comments