PACC Commissioner, ipinagtanggol ni Duterte sa pahayag nito tungkol sa panunuhol sa mga pulis 

Ipinagtanggol ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pahayag nito tungkol sa panunuhol sa mga pulis.

Ayon kay Belgica, normal lang naman kung makakatanggap ng regalo ang isang pulis pero ibang usapan na kapag manghihingi na ang mga ito dahil maituturing na itong korupsyon.

Aniya, handa naman siyang imbestigahan ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) pero ito ay kung may basbas na ng pangulo.


Sa huli, nangako naman si Belgica na patuloy niyang susundin si Duterte sa lahat ng mga adhikain nito.

Facebook Comments