22 Pinoy seafarers mula Ukraine, nakauwi na sa Pilipinas

Ligtas na nakauwi sa Pilipinas ang karagdagang 22 Pinoy seafarers mula Ukraine.

Sila ay mga crew member ng MTM Rio Grande, isang oil tanker na nakadaong sa Nika-Tera port sa Ukraine.

Sinalubong sila ng ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs at Overseas Worker Welfare Administration sa Ninoy Aquino International Airport kahapon.


Matatandaang ipinag-utos ng gobyerno ng Pilipinas ang mandatory evacuation lahat ng mga Pilipino sa Ukraine sa gitna ng lumalalang gulo sa pagitan ng Eastern European state at Russia.

Nagpatupad na rin ang bansa ng total deployment ban para sa mga Pilipinong nagpaplanong magtrabaho sa Ukraine kabilang ang mga direktang na-hire ng mga employer.

Facebook Comments