22 tauhan ng Philippine Navy na sakay ng BRP Quezon, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang 22 tauhan ng Philippine Navy na nakatalaga sa BRP Quezon sa San Fernando, La Union.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt. Commander Maria Christina Roxas, sumailalim sa swab test ang 25 na sakay ng BRP Quezon nitong September 25, 2020, na ngayon ay nasa isolation facilities sa loob ng Naval Base sa Cavite.

Isa sa mga positibo ay nakararanas ng ubo at sipon na ngayon ay nasa quarantine facility sa Ninoy Aquino Stadium habang ang iba ay asymptomatic.


Minomonitor naman ng mga tauhan ng Fleet Medical Unit (FMU) ang kondisyon ng mga nagpositibo.

3 naman sa 25 na Navy personnel na nagnegatibo sa swab test ang sumasailaim ngayon sa 14 day quarantine period.

Naka-lockdown naman ngayon ang BRP Quezon para sa decontamination.

Facebook Comments