Nilagdaan na ng Landbank of the Philippines (Landbank) at ng Municipal Government ng Can-avid sa Eastern Samar ang 220 milyong pisong loan para sa pagpapaunlad ng mga water systems sa munisipalidad.
Kasama sa lumagda nina Can-avid Mayor Gil Norman Germino at ni Landbank Samar Lending Center Head Restituta Ilagan sina Can-avid Municipal Accountant Celestino Cabanero, Landbank Borongan Branch Head Christopher Marco at si Landbank Samar Lending Center Account Officer Teofrido Lagria.
Ayon sa Municipal Government ng Can-avid, magiging daan ang pondo para magkaroon ng efficient, uninterrupted at mas mababang bayad sa suplay ng tubig ang mga residente sa probinsya.
Seserbisyuhan ng Can-avid’s Water System ang 16 na mga barangay sa probinsya na kinabibilangan ng 2,360 domestic households, 127 institutional establishments, at 190 commercial entities.
Habang madadagdagan naman ito ng anim pang barangay sa susunod na mga araw matapos ma-upgrade mula level 2 patungo sa level 3 ang water system.
Ang Landbank at ang Municipal Government ng Can-Avid ay development partners na mula 1992.