Aabot sa 22,000 na mga sasakyan o 50% hanggang 60% ang hindi rehistrado sa Land Transportation Office sa buong Surigao City at Surigao Del Norte. Ito ang inamin ni Solaiman Padasirang, ang LTO Provl Head. Ayon sa kanya, ang mga delinquent at hindi nagparehistro ang kinabibilangan ng mga 4 wheels, 2 wheels kasama na rin ang mga tricycle units. Binigyangdiin nito, marami na ang mga sasakyan sa Surigao, sa database nila noon ang kita ng LTO umaabot lamang sa P2 million pero ngayon nasa P5 million na. Dagdag pa ni Padasirang, sa pagdami ng mga sasakyang walang rehistro patuloy ang kanilang information dissemination at pagpapatupad ng law enforcement sa LTO.
Facebook Comments