Kabilang sa mga tumanggap ng P4,500 stipend ang mga accredited BHW habang ang mga rehistradong BHW ay nakatanggap ng P1,500.00.
Sa report ng Tabuk City Information Office, tiniyak ni City Mayor Darwin C. Estrañero na huwag mag-alala ang mga BHW sa pagbaba ng National Tax Allotment ng lungsod dahil hindi maaapektuhan ang kanilang mga stipend sa bisa ng resolusyon na inakda ni Atty. Ivan Yannick Bagayao at inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod kung saan ginawa itong statutory obligation ng CLGU sa kanila.
Nakapaloob kasi sa resolusyon na tatlong taon na pagtaas ng BHW pay-out na aabot sa P3,500.00 na idinagdag sa kanilang regular na buwanang stipend.
Hinikayat naman ni Jandel Taguiam, person in charge with vaccination, ang mga hindi pa nabakunahan na BHW na magpa-inoculate bago ipatupad ang mga paghihigpit sa mga hindi pa nabakunahang health worker sa lalawigan.
Nag-alok din ang CHSO ng pagbabakuna sa panahon ng pay-out na may humigit-kumulang 20 BHW na nag-avail ng Pfizer booster para sa una at pangalawang doses.