Tatlong mangingisda, nasagip ng PCG sa San Nicolas Shoals sa Cavite

81

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda matapos lumubog ang kanilang motorbanca sa karagatang sakop ng San Nicolas Shoals sa Cavite.

Ayon sa PCG, nagkaroon ng engine trouble ang motorbanca na sinabayan pa ng malakas na hangin at maalong karagatan.

Nakilala ang mga mangingisda na sina Joel Dela Cruz Dimano Jr., 45-anyos, Alexander Bababel 44-anyos, at Joshua Morallos, 22anyos na pawang mga residente ng Mariveles, Bataan.


Nabatid na nakatanggap ang PCG Station Manila ng ulat mula sa PCG District NCR-Central Luzon hinggil sa tatlong mangingisda na naligtas ng nagdaang cargo vessel na MV Ever Pride.

Agad na nagtungo ang barko ng Coast Guard na BRP Malabrigo sa nasabing lokasyon para tumulong sa mga mangingisda.

Nasa maayos naman na kalagayan ang mga nakaligtas na mangingisda matapos suriin ng mga tauhan ng PCG Medical Service.



Dinla ang mga naturang mangingisda sa Cunanan Wharf sa Maynila para sa iba pang tulong kung saan nai-turn over naman sila sa may-ari ng sinasakyang nilang bangka na si Mrs. Percy Frianela.

Facebook Comments