Nahaharap sa reklamo ang nasa 2,250 individuals na lumabag sa face mask at physical distancing regulations.
Ito ay batay sa report ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula June 14 hanggang 20.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, wala namang naitalang kaso ukol sa pagbabawal sa mass gatherings o “super spreader events” ngayong linggo.
Aniya, magandang senyales ito dahil sumusunod sila sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Año na walang humpay silang naghahanap ng violation reports ukol sa physical distancing regulations.
Sa kampanya kontra droga, ang Philippine National Police (PNP) at iba pang anti-narcotics agencies ay nakapaglambat ng 1,547 drug personalities sa 1,228 operations.
Nasa 10 ang namatay kabilang ang notoryus na drug lord na si Montassir Sabal na dating alkalde ng Talitay, Maguindanao.
Aabot sa higit ₱121 billion na halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam sa anti-narcotics operatives.