Ozamiz City – Aabot sa dalawang daan at dalawampu’t dalawang pribadong indibidwal at anim na barangay captain ang nagsisuko ng kanilang mga armas sa Ozamiz Police station.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, batay na rin sa ibinigay na impormasyon sa kanya ni Ozamiz City Chief of Police Chief Inspector Jovie Espenido.
Isinuko ng 222 na sibilyan ang 226 na mga long firearms, at 40 short firearms.
Habang 17 short firearms, at walong long firearms ang isinuko ng mga barangay captains.
Sa ngayon nasa pangangalaga na ng PNP Ozamiz ang mga isinukong armas.
Sinabi pa ni Bato na posibleng natakot ang mga sibilyan at mga barangay captains na ito na maging subject ng operasyon ng pulisya kung kaya’t kusang loob na isinuko ang kanilang high powered firearms.
Posible rin ayon kay Bato na mga kaalyado ng mga Parojinog ang mga sibilyang ito.