Pagtatag ng command center ng Customs, iligal

Manila, Philippines – Hindi nasagot ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang tanong ni House Speaker Pantaleon Alvarez tungkol sa pagtatatag ng Command Center sa loob ng Bureau of Customs.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, sa pagtatanong ni Alvarez, nalaman na hindi sakop ng Administrative Order ng Department of Finance ang pagkakaroon ng ComCen.

Inamin ni Faeldon na walang pag-apruba dito ang DOF at ang ComCen a nabuo lamang sa bisa ng Customs Special Order (CSO) No. 45-2016 na kanyang nilagdaan.


Ikinairita naman ni Alvarez ang sagot ni Faeldon at tinanong kung sinong “bright” ang nag-recommend sa kanya nito.

Pinapalutang din ni Alvarez ang mga sinasabing advisers ni Faeldon para sumagot ang mga ito.

Hindi naman masagot ni Faeldon ang tanong at binawi na rin ni Alvarez ang tanong nang mapansin na nahihirapan itong sumagot.

Facebook Comments