Puspusan na ang paghahanda ng Cotabato City Government para sa Shariff Kabunsuan Festival 2019.
Sa panayam kay Secretary to the Mayor Anecito Rasalan, iba’t-iba ang mga paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa week-long celebration na magsisimula sa araw ng Linggo lalo na sa usapin sa seguridad.
Kahapon ay nagsagawa na ng final security meeting para sa selebrasyon.
Kaugnay nito, inaanyayahan ng city government ang mamamayan ng lungsod at maging mga karatig bayan na dumalo, makiisa, makisaya sa okasyon.
Sinabi pa ni Rasalan na sa usapin ng seguridad ay nakalatag na ang security measures ng Task Force Kutawato at ng Cotabato City Office.
Mula sa Shariff Kabunsuan Festival hanggang sa kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay Rasalan, lahat ng uri ng banta sa seguridad ay nariyan lamang lalo na ngayong holiday season kaya naman hindi lamang ang banta ng terorismo ang binabatayan ng security forces subalit maging petty crimes.
Samantala, patuloy na iiral ang curfew sa Cotabato city ngayong buong buwan ng Disyembre.
Mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw para sa mga menor de edad at mula alas 10:30 hanggang alas 4:00 ng madaling araw para sa lahat.
Subalit pagdating ng 2020, sakaling tuluyan nang ma-lift ang umiiral na martial law sa Mindanao ay iiral pa rin ang curfew sa syudad subalit para na lamang sa mga menor de edad dahil ito ay batay sa umiiral na local ordinance.
22nd Shariff Kabunsuan Festival inaabangan na!
Facebook Comments