Karagdagang 23 COVID-19 quarantine facilities sa Metro Manila ang kasalukuyang tinatapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bago matapos ang buwan ng Agosto.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, minamadali na ang nasabing proyekto matapos i-anunsyo ng Department of Health (DOH) na nasa ‘danger zone’ na ang hospital bed occupancy sa National Capital Region (NCR).
Ang kasalukuyang pasilidad sa Metro Manila ay ipinatutupad ng siyam na district engineering offices ng DPWH-NCR.
Ang dagdag na mga COVID-19 quarantine facilities ay matatagpuan sa Quezon City, Pasay City, Pateros, Manila City, Marikina, Parañaque City, Makati City, Valenzuela City, Caloocan City, Muntinlupa City, Malabon City, at Navotas City na may kabuuang bed capacity na 2,417.