Naghain na ang Public Attorney’s Office (PAO) ng motion for reconsideration sa mga nabasurang kaso na may kinalaman sa Dengvaxia cases.
Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, nasa 23 kaso na kanilang inihain ang ibinasura ng piskalya.
Binasura aniya ang mga kaso dahil wala raw Dengvaxia card ang mga batang namatay na naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Tiniyak naman ng PAO chief na tuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso at patuloy rin ang pagtulong ng tanggapan ni Acosta sa mga magulang ng mga batang sinasabing namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine.
Una nang hiniling sa Department of Justice (DOJ) ng mga magulang ng mga batang nagkasakit matapos mabakunahan ng Dengvaxia na maging patas sa pagdinig sa kaso.
Facebook Comments