Loakan at Borongan Airport, bukas na sa commercial flights simula ngayong araw

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bukas na muli para sa commercial flights ang Loakan Airport sa Baguio at ang Borongan Airport sa Eastern Samar.

Ito ay bagama’t sasailalim pa rin ang Loakan Airport sa mga pagsasaayos at upgrade tulad ng pagpapalawak ng runway para ma-accommodate ang mas malalaking eroplano.

Ang muling pagbubukas ng Loakan Airport ay inaasahang magpapalakas ng lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapataas ng turismo sa “Summer Capital of the Philippines”


Habang sa muling pagbubukas ng Borongan Airport, magkakaroon na ng direktang flight mula Manila patungong Borongan na malaking ginhawa sa mga taga-Eastern Samar dahil magkakaroon na sila ng mas direktang access patungo sa ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments