23 Facebook pages, mino-monitor ng pamahalaan dahil sa umano’y pagbebenta ng bata online

Tinututukan ngayong ng pamahalaan ang nasa 23 Facebook pages dahil sa umano’y pagbebenta ng mga bata online sa anyo ng adoption o pag-aampon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, isiniwalat ni Janella Estrada, executive director ng National Authority for Child Care (NACC), ang Facebook pages na ito ay may libu-libong followers at nagbebenta ng mga bata sa halagang P10,000 hanggang P100,000 bawat isa.

Ini-report na rin aniya nila ito sa Philippine National Police (PNP) at kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon.


Nagpadala na rin sila ng liham sa Facebook Philippines o Meta pero wala pa silang natatanggap na tugon dito.

Nangako naman daw si Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na tutulong dito upang maiparating ang usapin sa Meta.

Facebook Comments