Philippine Embassy sa Saudi Arabia, nagbabala sa mga Pinoy na dadalo sa Hajj pilgrimage na walang balidong permit

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Riyadh sa Filipino Muslims na dadalo sa Hajj pilgrimage na walang valid permit.

Ayon sa Embahada, iligal ang pagdalo sa pilgrimage nang walang kaukulang permit.

Ipinaalala ng Philippine Embassy na 10,000 SAR ang multa bukod pa sa deportation at tuluyang pagpasok sa Saudi Arabia.


Pinaalalahanan din ng embahada ang publiko na mag-ingat sa mga nag-aalok ng tulong para makadalo sa pilgrimage at sa halip ay mag-transact lang sa awtorisadong partido.

Facebook Comments