23 fixers, arestado sa pagbebenta ng passport appointment slot

Manila, Philippines – Bagsak sa kulungan ang dalawampu’t tatlong fixers na nadiskubreng nagbebenta ng passport appointment slots.

Naaresto ang mga suspek kasunod ng utos ng DFA na imbestigahan ang naturang scam.

Sa surveillance ng South Police District, napag-alamang nagkakaroon ng VIP treatment ang aplikante sa pamamagitan ng endorsement letter mula sa high ranking official at nakakapagpa-reserve ng slot mula sa contact ng fixer sa opisina ng DFA.


At para mapabalis angproseso, hihingi sila ng P7,000 initial payment sa isang fixer.

Idadaan sa interview ang mga aplikante at sasabihang mapo-postpone ang kanilang aplikasyon pero ang totoo, pino-proseso na ito ng insider sa DFA.

Samantala, naaresto ang mga suspek sa tatlong magkakasunod na entrapment operation ng SPD sa ASEAN, Paranaque City; Libertad, Pasay City at Gate 3 Plaza sa Taguig.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9485 at estafa.

Facebook Comments