NAGBEBENTA SA KABATAAN | Tinaguriang “Solvent Queen” ng Lawton, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang tinaguriang “Solvent Queen” ng Lawton matapos na ituro ng mga kabataang pinagbebentahan niya ng solvent sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang 31-anyos na suspek na si Joy Sanchez.

Ayon sa Lawton-Police Community Precinct, nagpapatrolya sa bahagi ng jones bridge ang mga pulis nang magtakbuhan ang mga kabataan dahil sa riot.


Tatlo sa kanila ang nahulihan ng solvent na nabili raw kay Sanchez sa halagang sampung piso.

Inamin naman ni Sanchez na sa kanya galing ang solvent pero napag-utusan lang din aniya siya ng isang Edmund.

Kinasuhan na ng paglabag sa Presidential Decree 1619 si Sanchez at dalawang kabataan habang ite-turn over sa Manila Reception and Action Center ang menor de edad.

Facebook Comments