Umabot sa 23 katao ang patay habang 83 naman ang sugatan sa nangyaring riot sa Bogota, Colombia.
Ayon sa ulat, isinugod sa ospital ang nasa 32 na inmates at pitong guwardiya kung saan dalawa sa mga guwardiya ang nasa kritikal na kondisyon.
Nabatid na ito ay protesta ng mga preso dahil sa overcrowding at mababang serbisyong pang kalusugan sa gitna ng banta ng COVID-19.
Matatandaang patuloy ang pagkamatay ng mga preso sa nasabing bansa dahil sa tensyong dulot ng COVID-19 sa mga ito.
Facebook Comments