23, patay, 73 sugatan sa banggaan ng 2 tren sa Pakistan

91

Nasa dalawampu’t tatlo ang patay habang pitumpu’t tatlo naman ang sugatan matapos ang banggaan ng dalawang tren sa Central Pakistan.

Ayon sa imbestigasyon ng senior official ng Pakistan railways, sinalpok ng isang pampasaherong tren ang isang nakahintong tren sa bahagi ng Rahim Yar Khan District sa probinsya ng Punjab sa nasabing lugar.


Nagpapagaling na sa ngayon sa ospital ang nasa 73 mga sugatang biktima matapos ang aksidente.

Kasunod nito, ipinag-utos naman ni Prime Minister Imran Khan sa railways minister na magsagawa ng agarang aksyon para sa pagtiyak ng safety standards ng mga pasahero sa mga tren.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon para alamin kung ano ang totoong dahilan sa pagbangga ng nasabing tren.

Facebook Comments

From Advertisers