230 na bagong pulis, kailangan ng PNP region 9

488

Pagadian Philippines – Upang mapunan ang kakulangan ngayong taon ng Philippine National Police (PNP), ang police regional office 9 ay nanga­ngailangan ng karagdagang 230 bagong pulis .

Sinabi ni P/SUPT. Aileen ARANAS, Deputy Chief ng Recruitment and Selection Division ng pro 9 ang nasabing bilang ay bahagi ng recruitment quota ngayong taon .

Ayon sa opisyal, ang 230 na police officer na mga bagong iha-hire ay papalit sa mga nag­retiro, nagbitiw sa serbisyo at mga namatay na pulis.


Inianunsyo rin ni Aranas na maari ring bisitahin ang PNP online recruitment application system para mag-aplay sa bakanteng puwesto sa PNP at pwede ring tumawag ang mga interesadong aplikante sa 09176541985.

Facebook Comments