2,300 preso, pinalaya sa QC Jail

Nasa 2,300 na Persons Deprived of Liberty ang pinalaya na  ng Quezon City Jail.

Ayon Kay Quezon City Jail Warden Superintendent Severino Khitan, sa loob ng dalawang linggo niya sa puwesto ay nagawa niyang mabawasan ang sobrang pagsisiksikan ng mga inmate sa naturang piitan.

Ayon kay Khitan, masyado mabilis ang commitment ng mga preso ng QC RTC dahil sa maraming kinasuhan na may kaugnayan sa illegal drugs.


Kabilang sa mga pinalayang mga preso ay ang mga nakinabang sa Good Conduct Time Allowance law.

Gayundin, ang mga sobra-sobra na ang tinagal sa loob ng piitan dahil sa palagiang pag-postpone ng mga hearing at hindi na dumadalo ang mga biktima o complainant ng kaso na nagiging dahilan ng pagkaantala ng kanilang kalayaan.

Ang kapasidad lamang ng QC Jail ay nasa 800 bilanggo, subalit pumalo noon sa 6,000 ang bilang ng mga PDL.

Asahan aniya na luluwag ang QC Jail sa sandaling magbukas na Ang QC Jail Annex.

Facebook Comments