Patuloy sa pag-ayuda ang Technical Education and Skills Development Authority of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (TESDA-ARMM) sa pagpapahusay ng skills and technical education ng mamamayan ng rehiyon sa pamamagitan ng libreng technical vocational education and training (TVET).
Ayon kay TESDA-ARMM director Omarkhayyam Dalagan, sa isinagawang National TVET Enrolment Day noong February 27-28, mahigit sa 23,000 beneficiaries mula sa ARMM ang nag-avail ng training courses ng TESDA.
Kabilang sa mga kurso na ini-aalok ng TESDA-ARMM ay Food Processing, Dressmaking, Carpentry, Masonry, Plumbing, Computer System Servicing, Health Care Services, Motorcycle/Small Engine Servicing, Electrical Installation and Maintenance, at marami pang iba.
Ang mga magtatapos sa nabanggit na mga kurso ay sasailalim naman sa Competency Assessment and Certification kung saan ang mga papasa ay bibigyan ng TESDA National Certificate.
Noong 2017, ang TESDA-ARMM ay nakapagsanay ng 26,638 na indibidwal kung saan 87.5% ang nabigyan ng sertipikasyon bilang competent skilled workers.
Sa kaparehong taon din, kabuuang 11,153 scholarship slots ang iginawad ng ahensya na nagkakahalaga ng P81 million, saklaw nito ang mga programa sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program, Private Education Student Financial Assistance at Skills Training for Employment Program.
23,000 trainees, sumasailalim sa technical vocational courses ng TESDA-ARMM!
Facebook Comments