Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 29 na munisipalidad ang apektado ng pananalasa ng bagyong Maring mula sa apat (4) na probinsya sa rehiyon dos nitong nakalipas na linggo.
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2, nasa kabuuang 231 naman ang labis na naapektuhang barangay.
Kaugnay nito, umabot na sa 16,533 ang kabuuang bilang ng pamilyang naapektuhan ng kalamidad o katumbas ng 61,381 na indibidwal.
Naitala rin ang walong kabahayan na totally damages habang 28 kabahayan naman ang partially damages.
Samantala, naipamahagi na ang nasa 11,615 family food packs (FFP) habang 273 naman ang bilang ng non-food items.
Facebook Comments