Bulacan, Apayao at Capiz, ibababa na sa GCQ simula bukas, Oktubre 18

80

Isasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga lalawigan ng Bulacan, Apayao at Capiz simula sa Oktubre 18 hanggang 31.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay ng pagbaba na ng mga naiitalang kaso ng COVID-19 sa tatlong lalawigan.

Bago niyan, nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Bulacan at Apayao habang nasa GCQ with heightened restrictions naman ang probinsiya ng Capiz.


Habang sa Metro Manila mula kahapon Oktubre 16 ay ibinaba na sa Alert Level 3 mula sa level 4 na tatagal hanggang Oktubre 31.

Facebook Comments