Siniguro ni Philippine National Police Academy (PNPA) Director Pol. Brig. Gen. Gilbert Cruz na nasa maayos na pangangalaga sa kanilang 5 isolation facilities ang 232 kadete at 11 PNPA personnel na nagpositibo sa COVID-19.
Aniya ang lahat ng mga ito ay asymptomatic at patuloy na mino-monitor ng Philippine National Police (PNP) Health Service.
Tumanggap din ang mga ito ng 11,000 Vitamin C capsules sa 14 na araw ng kanilang quarantine.
Sinabi pa ni Cruz, na maliban sa mga naka-isolate, may 1,406 Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR ) test samples na kinolekta ng Material Recovery Facility (MRF) sa Mall of Asia mula sa kanilang mga kadete at staff.
Para mapangalagaan naman ang Cadet Corps, namahagi rin ang pamunuan ng PNPA ng 6,500 face shields, 16,000 face masks, at alcohol sa mga kadete.