235 PhilSys registration centers, bukas na para sa online appointment booking

Nagbukas pa ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng karagdagang 219 registration centers sa 21 lalawigan sa bansa.

Ito ay para sa Step 2 registration ng Philippine Identification System (PhilSys).

Mula nitong June 12, aabot sa 235 registration centers ang binuksan para pagsilbihan ang mga Pilipino sa buong bansa.


Ayon kay PSA Deputy National Statistician Assistant Secretary Rosalinda Bautsita, binuksan na rin ang online appointment booking para mas maraming Pilipino ang makapagrehistro sa PhilSys.

Ang mga online registrants na nakatira sa mga siyudad at munisipalidad na may PhilSys registration centers tulad ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Isabela, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Quezon, Albay, Camarines Sur, Masbate, Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, at Leyte ay maaari nang bumisita sa register.philsys.gov.ph para mag-register at mag-book ng appointment schedule para sa kanilang Step 2 Registration.

Para sa buong listahan ng mga lugar na mayroong online appointment booking, maaring puntahan ang website ng PSA, www.psa.gov.ph.

Facebook Comments