23rd Siargao International Surfing Competition bubuksan sa Sabado Bubuksan sa nalalapit na Sabado Setyembre 23 ang taunang Siargao International Surfing Competition sa Gen. Luna, Surigao Del Norte. Iilang surfers mula sa Estados Unidos, Australia, Indonesia, Japan at ibang bansa ang nagkumpirma sa pagsali. Maliban sa Surfing Competition may iilang side events din ang isasagawa gaya ng Beach Volleyball Tournament, Open Fire Dance Competition, Surfing Music Festival at iba pa. Matatapos ang International Surfing Competition sa Sept. 30 na kung saan kabuuang US $75000 ang papremyo.
Facebook Comments