24.31 milyong mga Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

52

Umabot na sa 24.31 milyong mga Pilipino ang nakakumpleto na ng bakuna sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) as of October 17, katumbas ang bilang ng 22.29% populasyon ng Pilipinas.

Sa nasabing tala, 28 million Pilipino ang nakantanggap ng unang dose o katumbas ng 25.68% ng populasyon ng bansa.


Malayo naman ito sa 90% coverage para maabot ng bansa ang herd immunity at 50 hanggang 60 million Pilipino na target mabakunahan.

Sa ngayon, umabot na sa 699,214 miyembro ng general public ang nakatanggap ng unang doses ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments