24/7 deployment ng mga tauhan ng Customs at DA para sa pagproseso ng mga kargamentong pumapasok sa bansa, ipinag-utos ni PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 24/7 deployment ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) para sa pagproseso ng mga shipment na pumapasok sa Pilipinas.

Sa pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC)-Infrastructure Sector Group, pinatitiyak ng pangulo ang walang patid na pagproseso ng ng kargamento dahil wala aniyang pinipiling oras ang operasyon sa ganitong industriya.

Mahalaga rin aniya ito upang mas marami pang barko o kargamento ang ma-accomodate ng Pilipinas.


Ang mandato ng pangulo ay kasunod ng rekomendasyon ng PSAC na tiyaking 24/7 operations ng lahat ng government services na mayroong kinalaman sa logistics at supply chains.

Sa prosesong ito, tuloy-tuloy ang inspeksyon, clearance, at proseso ng pagbabayad, lalo na sa x-ray scanning operations ng BOC habang ang DA naman ang inatasang mag-inspeksyon sa mga ginagamit na van.

Facebook Comments