Isinulong ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang pagsasabatas ng 24/7 na frontline service system (FSS) para sa pag-assist at pagtugon sa mga tanong ng publiko sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno na maaring mula Lunes hanggang Sabado.
Nakapaloob ito sa House Bill No. 10426 o panukalang “24/7 Frontline Government Services Act” na inihain ni Lee kung saan iniuutos na gawing mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng hapon ang face-to-face interactions.
Layunin ng panukala ni Lee na hindi na kailanganin pa ng ating mga kababayan na lumiban sa trabaho kung may aasikasuhin sa mga tanggapan ng gobyerno.
Giit ni Lee, obligasyon ng gobyerno na pagaanin ang pasanin ng ating mga kababayan at ang mga transaksyon dito ay hindi dapat maging pabigat sa trabaho o makabawas ng oras para sa pamilya.
Binigyang-diin ni Lee, ang serbisyo ng pamahalaan ay wala dapat pinipiling oras.